ISA PANG KAPARAANAN UPANG MALAMAN KUNG MATERYAL O ESPIRITUAL ANG MAYSAKIT
IPAGDIKIT ANG DALAWANG KAMAY NA PANTAY SA GUHIT NG PALAD NG KAMAY, AT NG MGA LINYA SA KALINGKINGAN. BANGGITIN ANG ORACIONG ITO UPANG HINDI MAKAPAGTAGO ANG ESPIRITUNG NAMIMINSALA:
SADAC SIDAC SUDEM
UNUM PASIM JESUS
PAG HINDI PANTAY ANG KALINGKINGAN, AY MAY ESPIRITUAL NA KARAMDAMAN ANG MAYSAKIT.
-------------------------------------------
KAPANGYARIHAN SA PAGTAWAS SA ANO MANG SAKIT SA PAMAMAGITAN NG KANDILA.
Narito ang ang mga pamamaraan ng paggawa at pagganap:
(a) Magpakuha po kayo ng isang palangganang may tubig.
(b) Isang kandila na halagang bente o bente singko sentimos.
(c) Paupuin ang bata o matandang tatawasin na nakapaharap sa may palangganang may tubig, na lalaon baga'y ang taong nakaharap sa palangganang may tubig ay ang tinatawas at ang tumatawas, at pagkatapos na maisaayos ang lahat ng bagay na kinakailangan ay magdasal ng isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Gloria Patri.
Ang tinutukoy po ng gaganap sa pagdarasal ay ang taong gaganap sa pagtawas, nguni't bago simulan ang pagdarasal ay hawak mo na sa iyong kanang kamay ang kandila na wala pang sindi na nakatayong nakatabi sa may palangganang may tubig.
PAUNAWA:--- Bago sindihan ang kandila ng tumatawas ay usalin muna ang makapangyarihang ORACIONG ito:
JESUS SARVI JESUS EL QUITE SARVI JESUS AVE MARIA
at ikrus ang kandilang hindi pa nasisindihan sa palangganang may tubig, pagkatapos sindihan ang kandila at usalin ang:
ENKEP SEDICO ENDICTE
--- ipakita mo ang karamdaman ni (banggitin ang pangalan ng taong tinatawas) at pagkatapos ay sabay tuwad ng kandilang may sindi sa palangganang may tubig na hindi dumadaiti ang kandilang may sindi sa tubig, at pag ang patak ng kandila satubig ay sumasagitsit ay nangangahulugan na ang taong iyong tinatawas ay nauusog o kinakabagan, at kung anu man karamdaman ay makikita ang itim oputi namay hugis sa gitna ng kandila na nasa palanggana at doon mo makikita kung ano man ang karamdaman ng taong inyong tinatawas, pagkatapos ng pagkakatawas ay painumin ng kaunting tubig na pinagtawasan at ihilot sa parteng masakit ng may karamdaman, at maaasahan mong siya'y gagaling na sa kanyang karamdaman.
THE CALLING OF THE HOLY SPIRIT (LNK)
https://www.facebook.com/groups/496859593667807/
No comments:
Post a Comment