Tuesday, January 9, 2018

ANG KAYAMANAN SA LANGIT


Luke 12 32-34 Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian. 
Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik, at kayo'y mangaglimos; magsigawa kayo sa ganang inyo ng mga supot na hindi nangaluluma, isang kayamanan sa langit na hindi nagkukulang, na doo'y hindi lumalapit ang magnanakaw, o naninira man ang tanga. 
Sapagka't kung saan naroroon ang inyong kayamanan, ay doroon naman ang inyong puso.



+++
Pagpapabalik sa mga ninakaw o sa mga magnanakaw para isauli ang mga ninakaw.



Matiryal: Isang kandilang sperma. Pasimula ng pagganap: Kahit anong araw ay pwedeng pasimulan, sa hapon at umaga maaaring sa pasikat at palubog ang araw.


Pamamaraan: Sindihan ang kandila Magdasal muna ng isang Sumasampalataya hanggang sa ipinako sa krus. At pagkatapos ay magpoder ka sa iyong sarili ng hindi ka ma-apektuhan ng iyong ginagawa, at pagkatapos nito ay tumawag ka sa apat na sulok ng mundo sa labas at loob, at isunod ang oraciong ito CRISTOS SANCTA TRINITAS OMO DAUB JESUS KRUS, 

pagkasambit ng salitang KRUS ay sabay hihip sa lugar na pasikat o paglubog ng araw. Ang ibig ko pong sabihin ay ganito: Kung ang pamamaraang ito ay inumpisahan mo sa papalubog ng araw ang iyong gagawing paghihip pagkasambit ng salitang KRUS, pagkatapos ay humarap ka uli sa may sinding kandila at usalin o sambitin ang mga sumusunod:
EXEDEUM EXETUUMEX EVACSHUM, 

at isunod ang mga salitang ito: Kung sino man ang kumuha ng nawawala kong ________ ay mapapahamak kung hindi ibabalik, at hipan ang kandila, at kinabukasan ay gawing muli ang pamamaraang ito hanggang isan linggo, at kung sa loob po ng isang linggo ay hindi pa rin isinasauli ang mga ninakaw sa iyo ay ganito po naman ang iyong gagawin: Ang dasal na sumasampalataya hanggang sa magkasakit, ibinaon o inilibing, at isunod sa pabilin ang ganito. Ang sino mang kumuha o nagnakaw ng nawawala kong______
_________ ay magkakasakit pagdating ng tatlong araw o hanggang isang linggo mula ngayon, at huwag mo ng hipan ang kandila, at pabayaang nakasindi hanggang sa maubos ang kandila hanggang hindi ka niya hinahanap upang maisauli ang gamit.


Narito po ang oracion sa pagpopoder sa sarili:
BENEDICTAM REENADICTAM VENIT MACULATAM ELEBATE ELEBILA ELECULAPA ELEBINA EGRA EGRAYOM EGROMIT EREYSUM AYISMOTUM 
poderan mo ako sa lahat ng oras.

Narito po naman ang PAGTAWAG sa apat na sulok ng mundo, sa labas at loob.
SATOR AREPO TENET OPERA ROTAS 
ADONADAM REHOP OGNAT SAUGNAT TADHACSAC 
 REX CHRISTUM DEUM 
IN DEUM MEUM ABAAM ABELIM ABEIS ABEISTE 
sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan ay pahintulutan mong maibalik sa akin 
sa lalong madaling panahon ang nawawala kong _____________________.

No comments:

Post a Comment