Proverbs 18:15 Intelligent people are always eager and ready to learn.
Kawikaan 18:15 Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman; at ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman.
Ang kadakilaan at karunungan ay nasa paligid lamang.
Ang bawat tao ay may ibat-ibang kontribusyon. Kailangan mo ang
ibat-ibang kaalaman sa iyong buhay. May taong nangangailangan ng iyong
nalalaman.Meron ka ring pangangailangan na sa ibang tao mo makukuha. Ang
kabuuan ng iyong pagkatao ay ang iyong naging karanasan.
Ibat iba
ang mga personalidad. Bawat tao na nasa iyong paligid ay binubuo ng
katawang puno ng kaalaman. Nasa iyo kung ihuhulog mo ang iyong timba sa
balon o mag-iigib.
Proverbs 11:14 A nation will fall if it has no guidance. Many advisers mean security.
Kawikaan 11:14 Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay
nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.
Tingnan mo ang mga taong nasa paligid ni Jesus. Maniningil ng buwis.
May manggagamot, mangingisda. Isang babae sinasaniban ng pitong demonyo.
Ang ibay mahirap. Ang ibay mayaman. Ang ibay napakasigla at ang ibay
napakalambot. Ang ibay biglang umiinit ang ulo tulad ni Pedro ang ibay
malalim mag-isip tulad ni James.
Matutong makinig sa ibang
tao. Bawat isa ay nakakakita saibat-ibang pananaw. Nakakaramdam sila sa
ibang puso. Nakaririnig sila sa ibang tainga. Alam ng ibang tao ang
ibang bagay na dapat mong malaman. At hindi mo malalaman ang
kinakailangan mong malaman kung hindi ka magbibigay ng oras para
mapakinggan ito. Isang pirasong impormasyon ang maaaring makapagpabago
sa iyong kabiguan at magawa itong tagumpay. Ang mga dakilang desisyon ay
produkto ng mga dakilang kaisipan.
Si Jesus ay naki-pagkaibigan.
Panalangin:
Alam ko po Panginoon na nilikha mo ang ibat-ibang tao na may ibat-ibang
Katangian. Bigyan mo po ako ng katalinuhan na malaman kung saan ko
dapat gamitin ang aking oras para akoy magtagumpay. Sa ngalan po ni
Jesus, na siya kong kalakasan, Amen.
Oracion upang madaling magkaroon ng mga kaibigan at kakilala.
LUACILRUM ACTIS SIATUSNOBIS SUTCAN SOGMAUL TUSNAC.
-o0o-
PAMPALUBAG LOOB
bigkasin ng tatlong beses sa sarili
bago kausapin ang minamahal.
JEPTEM AITEM ZUALA
EZEM YOSOY JEPTEM
LAMUROC MILAM
-o0o-
SA PAGHINGI NG TAWAD
bigkasin ng tatlong beses sa sarili
bago kausapin ang minamahal.
DOMINE MEMENTO MEI CUM VENERIS
IN REGNUM TUUM
-o0o-
PANG-PALAMBOT NG PUSO
NG INFINITO DEUS SA MGA TAO
Ito ay iihip sa sarili, bigkasin ng tatlong beses
SANCTUM KRISTUM DIOS ISPIRITO
SANCTO DEUS KROKATISIM
RESPOSINIT IGLORIAM
-o0o-
-o0o-
No comments:
Post a Comment