Tuesday, January 9, 2018

Hindi nagtanim ng galit o sama ng loob si Jesus

Hindi nagtanim ng galit o sama ng loob si Jesus. Ni hindi nya pinarusahan si Jesus. Nagpakamatay si Judas. Hindi pinutol ni Jesus ang koneksyon niya kay Pedro kahit ipinagkaila niya si Jesus umiyak siyay humingi ng awa at kapatawaran at siya nakabalik naging dakilang taga-pagturo ng aral ng Dios.

Ephesians 4:31 Get rid of all bitterness, passion, and anger. No more shouting or insults, no more hateful feelings of any sort. 
Ephesians 4:32 Instead, be kind and tender-hearted to one another, and forgive one another, as God has forgiven you through Christ.


Eph 4:31 Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala: 
Eph 4:32 At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.


Alisin mo sa iyong salita ang pagkagalit sa bawat pakikipag-usap.
Huwag mong ipaalala sa iba ang masama mong karanasan, maliban lamang kung meron kang itinuturo sa kanila upang lagpasan ang anumang masakit na karanasan.

Nakita ni Jesus ang kasunod na kabanata higit sa pagtataksil sa kanya. Away niyang magtanim ng galit at paghihiganti.


Panalangin:
Salamat po Panginoong Diyos, inaalis mo lahat ng galit sa aking puso. Magbabantay ako laban sa pagtatanim ng galit sa susunod na mga araw. Tatandaan ko na ang bawat pagtataksil o paghuhusga sa akin ng mali ay titingnan ko lang na hapdi at palilipasin. Maging ang kanilang pagtataksil ay harang lang sa daan patungo sa aking pagtatagumpay. Sa ngalan po ni Jesus,amen.


Oracion upang huwag maging mainitin ang ulo at maalis ang anumang galit.
DIGNERE REDENREMTO SENDEDA 
PATRIS TUSNAEST RETNOS VENEDES GILITATEM.
-o0o-

PAGWIKA NG PAHIKAYAT
Ibulong ito habang nakikipagusap
At saka mag buntong-hininga.
VIDIMUS MESSIAM
-o0o-

PANG ALIS NG GALIT O PAMPAAMO
Ito po ay orasyon naiiihip sa ipapainom
Sa taong galit sa iyo para mawala ang kanyang galit.
Ibulong ito ng tatlong beses.
OMNIBUS HOMINIBUS PASEM HABENTES,
SUMIMPET NI (pangalan ng paaamuhin)
EN NOMINA JESU CHRISTI. AMEN.
-o0o-

SA PAGKAKASUNDO NG PAMILYA
Ito po ay para maiwasan o malunasan
Ang madalas na pagkakagalit-galit
Sa loob ng tahanan.
1-Ama Namin at 1-Sumasampalataya
DOMINE JESU CHRISTE, QUI MARIA
ET JOSE SUBDETUS, QUI VIVIS
ET REGNAS EN SAECOLA SAECOLORUM,
FAMILIA SANCTE EMAMIL SALVAMOS. AMEN.
-o0o-

No comments:

Post a Comment